Sa pagbubukas muli ng
ekonomiya sa Zamboanga, maraming micro and small business owners ang nabigyan
ng oportunidad na maka-recover at maipagpatuloy ang kanilang negosyo.
Karamihan sa MSMEs ay
naghahanap ng pondong magagamit para maituloy ang business na pansamantalang
naapektuhan o nagsara noong pandemya. Isa na rito si Lizaruth Morales, isang
micro-business owner ng Saavedra, Zamboanga.
Humina ang kita ni Morales
noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) kaya’t nahirapan siyang
panatilihing bukas ang kanyang tindahan.
Tulong pinansyal para
sa MSMEs
Para hindi tuluyang magsara
ang tindahan ni Morales, sinubukan n’yang lumapit sa BDO Network
Bank, ang community bank ng BDO Unibank.
“Ang BDO Network Bank (BDONB)
ay mayroong MSME Loan na tutulong sa mga negosyante para makabangon at mapalago
pa ang kanilang negosyo. Maaari nilang ituloy ang kanilang mga plano sa negosyo
para matupad ang kanilang mga pangarap para sa pamilya,” ani Karen Cua, BDO
Network Bank senior vice president at MSME head.
Sa ngayon, mayroon ng
apat na BDO Network Bank branches at loan offices sa Zamboanga,
kung saan maaaring mag-loan ang existing business owners ng
Php 30,000 hanggang Php 500,000 ng walang collateral. Ang dagdag na
pondo ay maaaring gamitin ayon sa pangangailangan ng mga negosyante, gaya ng
pambili ng additional stocks, sasakyan o equipment, at iba pang business
needs.
Naiintindihan ng BDO Network Bank
ang challenges na hinaharap ng MSMEs kaya’t ginawa ng bangko na affordable ang
payment schemes. Maaaring pumili ang borrower ng easy installment payment
terms mula 12 months hanggang 24 months.
Laking pasasalamat ni Morales
na naging ka-partner niya ang BDO Network Bank. Sa tulong ng MSME Loan,
nagkaroon siya ng ekstrang kapital para panatiliing bukas ang kanyang loading
station.
Sa mga nais malaman kung paano
mag-apply ng Kabuhayan Loan, bumisita lang sa BDO Network Bank website (https://www.bdonetworkbank.com.ph/), pumunta sa pinakamalapit na
BDO Network Bank branch/ loan office sa inyong lugar, o kaya’y mag-send
ng private message sa official BDO Network Bank facebook page. (https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH).
0 Comments