Pinangunahan nina Camiguin Gov. Xavier
Jesus D. Romualdo at Mambajao Mayor Yñigo Jesus D. Romualdo ang ribbon cutting
ng BDONB Camiguin-Mambajao Branch.
Masayang sinalubong ang pagbubukas ng kauna-unahang BDO Network Bank (BDONB) branch sa Mambajao, Camiguin Island, Biyernes, October 21.
Good news ito para sa mga Camiguinon dahil magiging madali na para
sa kanila ang pagkuha ng mga produkto at serbisyo ng BDONB na makatutulong sa
kanilang pag-asenso o sa pagsulong ng kanilang negosyo.
Ayon kay Mambajao Mayor Yñigo Jesus D.
Romualdo, malaking tulong ang pagkakaroon ng BDONB sa kanilang bayan para sa
tuloy-tuloy na pag-unlad ng lokal na ekonomiya. Sinabi naman ni Camiguin Gov.
Xavier Jesus D. Romualdo na magiging daan para mas mailapit pa sa pagbabangko
ang kanyang mga kababayan kung magbubukas pa ng BDONB branches sa ibang
municipalities ng Camiguin.
Pormal ng binuksan ang pinakabagong branch ng BDO Network Bank sa Mambajao, Camiguin.
|
0 Comments