Isinagawa
ng BDO Network Bank (BDONB)
ang kanilang Go Negosyo talk show na pinamagatang ““Kayang-kaya Kabayan” nitong
Biyernes, June 4. Layunin ng talk show na magbahagi ng financial management
tips at valuable insights pagdating sa mga sustainable at adaptable business
opportunities hindi lamang para sa mga local Micro, Small, and Medium
Enterprises (MSMEs), kundi pati na rin sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs)
at kanilang mga beneficiaries.
Pinangunahan ni SME Advocate Josie Conlu
ang talakayan tungkol iba’t-ibang financial challenges na kinakaharap ng ating
mga OFWs abroad. Nagbahagi rin siya ng mga opportunities na maari nilang
subukan pagkatapos nitong pandemya.
Naroon din si Randell Tiongson, isang
registered financial planner and advocate ng Life & Personal Finance, na
nagbahagi ng preparedness at adaptability tips kung paano ba i-manage ang
income at kung papaano mag-impok para sa emergency funds. Kabilang dito ang
pag-shift sa mga essential business, paggamit ng online platforms, at pagdagdag
ng stocks.
Napag-usapan
din ang importansya ng MSMEs sa pagpapalago ng lokal at nasiyonal na ekonomiya.
“Ang pag-unlad ng Pilipinas ay nakasalalay sa
pagsulong ng mga MSMEs. Sa paglago ng mga MSMEs, gaganda ang kinabukasan nila
at ng kanilang pamilya. Dahil dito, tinatawag na “growth engine” ng ekonomiya
ang mga MSMEs,” ani BDONB
Senior Vice President and MSME Group Head Karen Cua.
Dagdag pa niya, ang
mga MSMEs ay ang nagpapatakbo ng ekonomiya ng ating mga komunidad dahil
nakapagbibigay ito ng trabaho, mga produkto, at mga serbisyong kailangan sa
pang araw-araw.
Ayon
sa data ng Bangko Sentral ng Pilipinas,
ang MSMEs ay isang kritikal na sector ng ating bansa dahil they account for
99.5% ng business enterprises, 62.4% ng total employment, at 35.7% ng gross
value added. Maliban dito, sila rin ay nagsisilbing valuable partners at
suppliers ng mga malalaking enterprise.
Kaya’t
patuloy na sinusuportahan ng BDONB ang mga MSMEs upang mapanatili at mapalago
ang kanilang operasyon sa gitna ng pandemya.
Ang
dating OF na si Ernesto Abad, isang electrician na nagtrabaho sa Saudi Arabia,
ay nagbahagi ng kanyang kwento kung paano nakatulong ang BDONB at ang Kabuhayan
Loan sa kanyang pamilya at sa kanilang negosyo lalo na ngayong pandemya.
“Dahil
sa sitwasyon ng lockdown, ang buwanang padala ng asawa ko na nasa abroad ay natigil,
kaya’t napakaganda ng pag-alok sa akin ng BDO [Network Bank] upang
maipagpatuloy ko ‘yung aking negosyo kahit sa panahon ng pandemic,” ani Abad.
Bilang
isang trusted partner ng mga MSMEs sa business growth at sustainability, handog
ng BDONB ang Kabuhayan Loan upang mabigyan ang mga MSMEs ng access sa
additional capital at investment para sa kanilang stocks, sa pag-expand at
pagpapalago ng kanilang negosyo.at sa pagbili ng mga business assets gaya ng
delivery trucks at iba pang kailangang equipment.
Ang
Kabuhayan Loan ay mayroong mabilis at simpleng application process para sa
pagpapa-utang sa mga negosyante ng mula P30,000 hanggang P1,000,000 na hindi
nangangailangan ng collateral. May installement options ito na 12 months
hanggang 24 months, depende sa kakayahan ng isang borrower magbayad. Meron din
itong kaakibat na Credit Life Insurance na nagsisilbing proteksyon ng pamilya
laban sa financial burden.
Ang
BDO Kabuhayan loan ay available sa lahat ng BDONB branches. Para ma-qualify sa
loan, ang borrower ay dapat mayroon existing na negosyo for at least three
years at nagge-generate ito ng weekly sales na di bababa sa P15,000. Magsubmit
lamang ng isang valid ID, business permit, at proof of sales. Maaari ring mag-apply online via www.bdonetworkbank.com.ph.
Mula May 17 hanggang
July 16, 2021, 30 lucky applicants ang mananalo ng Kabuhayan Package na
tig-P10,000 worth of grocery goods o SM appliances. Para sa mga inquiries
tungkol sa promo, mag-send lamang ng private message sa BDO Network Bank PH
Facebook page o bisitahin ang www.bdonetworkbank.com.ph/kabuhayan-loan.
0 Comments