Madiskarteng Pinoy MSMEs and 6 Madiskarteng Business Tips.

BDO NETWORK BANK, MADISKARTENG PINOY MSMEs.  Mga tips para masagip at makaahon ang inyong negosyo mula sa krisis. (Itaas mula L to R )  Lulu Saquing, Eduardo Azores, ( Ibaba mula L to R )  Rosanna Serwelas, Ginoong Saig, asawa ni Josephine Saig.

Walong buwan matapos unang ipinatupad ang extended community quarantine sa Luzon dahil sa Covid-19 pandemic, kumusta na nga ba ang iyong  negosyo? Katulad ng nakakarami, posibleng naging extra challenging para sa’yo ang matagal na quarantine. Naging matumal ang benta. Kahit gusto mong i-deliver na lang ang produkto sa mga customer, wala ka namang sasakyan. Kung non-essential pa ang ibinebenta, paano na ang source ng kabuhayan mo? Papayagan bang mawala na lang ito?

Huwag panghinaan ng loob! May mga paraan para masagip ang iyong negosyo at para makaahon mula sa krisis.

BDO NETWORK BANK, MADISKARTENG PINOY MSME. Sa tulong ng social media at BDONB Kabuhayan Loan, mas nakilala sa Mindanao ang Ali Ali Pastil Food House ni Eduardo Azores. 

Madiskarteng Tip #1

Magbenta ng produkto o serbisyo online

I-explore ang social media at alamin kung anong platform ang pwede mong gamitin para sa iyong negosyo. Maaari kang gumawa ng business page sa Facebook, sariling YouTube Channel o kaya naman Instagram account kung saan pwede mong i-promote ang iyong  produkto o serbisyo.

Libre lang ang paggawa ng social media accounts, pwede kang magtanong sa mga kaibigan o i-search sa online kung paano gumawa ng account para sa iyong negosyo.  

Katulad ni Eduardo Azores, gumamit din sya ng social media platform para mas makilala sa online community ang ipinagmamalaki niyang Pastil, isang local delicacy sa Mindanao na gawa sa ginisang meat flakes ng baka, manok o isda na pinaibabaw sa kanin at ibinalot sa dahon ng saging. Nagpagawa siya ng YouTube channel at Facebook business page para sa kanyang Ali Ali Pastil Food House. Nang magsimula ang quarantine, nag-apply din siya bilang merchant ng Food Panda delivery para maihatid ang kanyang mga panindang pagkain sa mismong doorstep ng kanyang mga customers. Nakatulong nang malaki ang Kabuhayan Loan ng BDO Network Bank (BDONB) para matuloy ang mga planong ito ni Eduardo. Ang resulta? Mas pumatok sa mas maraming tao ang kanyang Pastil, pati na rin ang iba pang putahe na inihahain sa kanyang restaurant.

Madiskarteng Tip#2

Magbenta ng essential goods

Para i-supplement ang ibinebentang non-essential products, maari kang mag-offer ng essential goods o mga items na may kinalaman sa pagkain, tubig at pangangalaga ng kalusugan.

Ganito ang naging diskarte ni Jeneveve Ramos, may-ari ng hollow blocks at gravel business sa Ilagan, Isabela. Nang dumating ang pandemic, pinatigil ang operasyon ng non-essential businesses at isa sa mga lubhang naapektuhan ay ang negosyong naiwan sa kanya ng pumanaw na asawa. Sa halip na sumuko, nagpagpasya si Jeneveve na ituloy ang laban sa pamamagitan ng pagre-repack ng condiments. Dahil hindi pa niya kayang magpasweldo ng mga tauhan, buong pamilya niya ang tumulong sa kanya para palaguin ang nasimulang condiment business. Para may pandagdag siya sa kanyang kapital para sa bagong business, nag-avail siya ng Kabuhayan Loan mula sa BDONB. Ngayon dahil sa lumalagong condiment business ni Jeneveve, unti-unting nalalasahan na niya ang tagumpay mula sa krisis.

BDO NETWORK BANK, MADISKARTENG PINOY MSME. Lubos ang pasasalamat ni Lulu Saquing sa BDO Network Bank Kabuhayan Loan dahil natugunan nito ang pangangailangan niyang makabili ng van na syang nagsilbing rolling store sa kanilang lugar sa Cagayan Valley.
Madiskarteng Tip#3

Mag-invest sa delivery ng produkto

Sa panahon ng pandemya, malaking tulong ang pagkakaroon ng sasakyan para mabilis mong maihatid ang produkto o serbisyo sa iyong customers. Kung wala ka pang sasakyan, pwede kang mag-avail ng Kabuhayan Loan ng BDONB para makabili nito kahit second-hand lamang.

Lubos ang pasasalamat ni Lulu Saquing ng Cagayan Valley sa BDO Network Bank Kabuhayan Loan dahil natugunan nito ang pangangailangan niyang makabili ng van. Ito ang nagsisilbing rolling store na siyang ginagamit nila para makaikot at makapagdeliver ng goods sa mga wholesaler.

Walang duda na dahil sa nabiling van ni Lulu, magtutuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng kanyang negosyo.

Madiskarteng Tip#4

Magbenta ng in demand na produkto

Buhay at kalusugan ang priority ng mga tao sa panahon ngayon. Kung gustong kumita ang negosyo mo, mag-alok ka ng mga produktong nakatutulong makaiwas sa virus or mapalakas ang resistensya laban sa sakit.

Ganito ang naisip na solusyon ni Josephine Saig ng Davao City sa naghihingalo niyang tailoring business. Mula sa pananahi ng basketball jersey, nagfocus siya sa paggawa at pagbebenta ng washable face masks. Mataas ang demand para sa produktong nais niyang ibenta kaya madaling na-approve ng BDONB ang kanyang Kabuhayan loan application. Sa tulong ng BDONB, naisalba ang tailoring business na itinayo niya at ng kanyang asawa noong 2000.

"Maraming salamat po na kahit sa panahon ng krisis nang pandemic ay pina-renew ninyo kami ng additional capital para sa face mask na ginawa namin noong March para sa pandemic Covid -19," ani Josephine.

BDO NETWORK BANK, MADISKARTENG PINOY MSME. Ang dagdag na kapital mula sa Kabuhayan Loan ang nakatulong kina Ginoong Saig, katuwang ni Josephine Saig,upang maisalba ang kanilang tailoring business.

Madiskarteng Tip#5

Maghanap ng oportunidad sa krisis

Sa gitna ng mga pagsubok na hatid ng pandemya, may magagawa ka para matulungan ang sarili at pamilya na makabangon at magpatuloy mabuhay.

Napilitan man si Rosanna Serwelas ng Taal, Batangas na isara ang junk shop nila dahil sa quarantine, malakas pa rin ang paniniwala niya na may pera sa basura ─ at sa pandemya. Ang paniniwalang ito ang nagtulak sa kanya na mag-ipon ng mga scrap materials noong ECQ para ibenta sa mga karatig probinsya at Manila. Naging posible ang planong ito dahil sa biniling truck sa tulong na rin ng Kabuhayan Loan ng BDONB.

“Salamat sa BDO Network Bank dahil sa kabila ng pandemya ay may nagtiwalang magpahiram sa akin ng puhunan at nakaadhika kami ng isa pang truck upang magamit sa aming hanapbuhay. Napakalaking bagay na natulungan niyo kami.” pahayag ni Rosanna.

Madiskarteng Tip#6

Magsimulang mag-ipon

Kapag nabigyan ka ng second chance na patakbuhin at palaguin ang iyong negosyo pagkatapos ng kasagsagan ng pandemya, ito ang huli at pinakamahalagang tip para sayo -- magsimulang magtabi ng at least 20% ng kita mo kada buwan. Kung kaya mo na, makabubuti ring maglaan ng hiwa-hiwalay na savings funds para sa pag-aaral ng mga anak mo, family emergency, pangarap na bahay at retirement.

BDO NETWORK BANK, MADISKARTENG PINOY MSME. Dahil sa tulong at tiwala sa BDONB, si Rosanna Serwelas ay nakabili ng truck para makabyahe at makapagbenta ng scrap materials sa mga karatig probinsya at sa Maynila.

Para makasiguradong safe ang ipon mo, ihulog ito sa BDO Network Savings Account.

Initial deposit/ maintaining balance:

P500 para sa Passbook Savings

P100 para sa ATM Savings

Deposit balance para may interest:

P1000 para sa Passbook Savings

P500 para sa ATM Savings

Bumisita lamang sa pinakamalapit na BDONB Branch para mag-inquire o i-check ang BDO Network Bank PH Facebook page.

Post a Comment

0 Comments